KASAYSAYAN NG PAG-UNLAD NG WIKANG PAMBANSA - PHD FILIPINO 6-PHD FIL LQ-S-1 FIL 801
Voltaire Villanueva

KASAYSAYAN NG PAG-UNLAD NG WIKANG PAMBANSA - PHD FILIPINO 6-PHD FIL LQ-S-1 FIL 801

Sa katapusan ng kursong ito, inaasahang matatamo ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
1. Nagkakaroon ng kaalaman sa kasaysayan at pag-unlad ng wikang pambansa sa Pilipinas.
2. Napag-aralan at nasusuri ang mga pangyayari na nagbunsod sa pagbuo, pag-unlad at pag-iral ng wikang pambansa.
3. Nakapagmumungkahi sa pamamagitan ng isang plano ng mga hakbangin sa pagpapayaman at paglinang sa wikang Filipino bilang wika
ng epektibong pagtuturo tungo sa ganap na intelektwalisasyon nito

KASAYSAYAN NG PAG-UNLAD NG WIKANG PAMBANSA - PHD FILIPINO 6-PHD FIL LQ-NS-3 FIL 801
Voltaire Villanueva

KASAYSAYAN NG PAG-UNLAD NG WIKANG PAMBANSA - PHD FILIPINO 6-PHD FIL LQ-NS-3 FIL 801

Sumasaklaw ang kursong ito sa pagtalakay sa batayang kasaysayan ng Filipino bilang opisyal at pambansang wika. Paiigtingin ng kurso
ang kahalagahan ng komprehensibong pagsusuri sa kasaysayan bilang matibay na salalayan sa paglinang at pagpapayabong ng wika
tungo sa mapagpalayang pagtuturo at pagkatuto.
Itinatampok sa kurso ang iba’t ibang tiyak na pamamaraan na maaaring mapanghawakan upang mailapat ang adhikaing mapagyaman ang
wika na susi at tulay sa pagpapaunlad ng bansa. Kaakibat ng pagsusuri at pagbabalik-tanaw sa kasaysayan ay kinakailangang makapagtampok ng tiyak na hakbang sa pagpapayaman at paglinang sa wikang Filipino bilang wika ng epektibong pagtuturo tungo sa
ganap na intelektwalisasyon nito.